Jump to content
Sign in to follow this  
Daisy

Hay Buhay America Talaga...

Recommended Posts

Daisy

A friend named "Maeng Ni" posted this. (in another forum)

Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.

 

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami

kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo.

Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka,

kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano .

Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

 

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na.

Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America

maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow.

Walang jeepney, tricycle o padyak sa America .

 

Akala nila masarap ang buhay dito sa America .

Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit

card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila

maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

 

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba

pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun,

kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.

 

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero

dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.

Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa

America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

 

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.

Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan.

Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

 

Madaming naghahangad na makarating sa America .

Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas.

Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo.

Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America .

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na,

kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

 

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang

pinagsilangan at malungkot iwanan ang

mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot

ang pera dito o pinipitas. Hindi ako

naninira ng pangarap, gusto ko lang

buksan ang bintana ng katotohanan.

 

( I hope some would understand this but i'm pretty sure some expats will understand...specially if it concerned them too )

:wink:

Edited by Daisy

Share this post


Link to post
Share on other sites
carmelo

I have a former colleague who just arrive in New Jersey and she was so happy that she is already in the US of A

even though she earns less. "Di bale, America 'to!", she quoted.

 

I have no regrets that I did not accept a job offer last year for New Jersey.

Share this post


Link to post
Share on other sites
Guest
This topic is now closed to further replies.
Sign in to follow this  

×
×
  • Create New...

Important Information

By using this site, you agree to our Terms of Use, Privacy Policy and Guidelines. We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue..