Jump to content
Sign in to follow this  
megayogi

Ako ay Pinoy,...

Recommended Posts

megayogi
I speak tagalog because my grandmother came to live with us for a year when I was 4 years old. She was too old to learn English (she said), so I learned tagalog.

 

I'm studying reading and writing because nobody ever taught me that...

 

 

Usap ka lang dito lagi sigurado madali kang matuto ng tagalog, turuan ka namin. Tignan mo si Sis Venezia, gumagaling nang magtagalog :welcome: . Natutuwa kami at interesado kang matutuo ng Tagalog :lol: . Be proud of our heritage.

 

Hanggang sa muli. Mabuhay!

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
Hello sa lahat ng magagandang Sissy and poging brothers, magandang umaga sa inyong lahat.

 

sis Venezia, tipong tumatalim ang tagalog mo habang tumatagal ha, sabi ko na nga ba kulang ka lang sa hasa eh. :D Para ka talagang flight stewardes ng Cebu Pacific, hehehe. ano ang paborito mong wine, Red or White? Balita ko puro wine ang inumin dyan sa italia. Anong wine ang bagay sa pizza pie? Sa Shakeys kasi beer lang ang tagay doon eh. Pag-uwi mo ng Cebu ano ang unang-una mong lalapangin? Ako miss ko na ang puto-bungbong...meron din ba sa Cebu nyan? Asta la vista senyorita venezia, :D ....ingats.

 

sis Tabaching, oo maganda ang climate dito sa Japan, malinis, walang pollution at wala din alikabok sa karsada. Lahat kasi aspalto at cementado kaya pag summer sobrang init, para nakasalang sa frying pan pag lumabas ng bahay. Yong inipon kong ka-puti-an noong winter...pagdating ng summer, isang labas lang sunog agad balat ko :D . Lakasan mo nang loob mo sumakay ng eroplano para marami kang marating na lugar. Balita ko maganda sa Canada, may mga Pinay friends din akong nakatira doon...Canadian citizen na sila. Dito din sa Japan yayain mo husband mo di ba. Maraming festival kapag summer. Yong cherry blossom kapag spring, pero sandali lang ang buhay ng bulaklak ng cherry blossom, madaling malagas.

 

sis Daisy and Kar wren, pasensya na at di ako masyadong mahilig sa bible reading eh, pero don't worry, I do believe in God. Good luck po sa bible reading nyo.

 

 

Hello Mega, tumatalim ba tagalog ko? Ewan, siguro absent ako palagi sa iskul pag may pilipino subject noon LOL, kumbaga dito sa kabisayaan tawag dun "namayabas" during pilipino subject LOLOLOL.

 

Magka partner talaga ang beer at pizza, dito ganoon din ang "usage", bihira lang siguro ang tao na kakain ng pizza tapos wine ang ininom. Meron dito iba't ibang klase ng beer, draft/draught beer na isini-serve ng 3 sizes of glass, small, medium or large, tapos tatanungin ka nila kon gusto mo ba blond beer or red beer. Naku dito lang ako natuto uminom ng beer at wine.

 

Present talaga sa table kapag kumakain ang wines dito sa italya, part na yan sa culture nila. Andami talalga wines dito lalo na sa region namin, bawat region may kanya kanyang wine specialty. Kabibili lang namin kahapon ng 20 liters of wine, 10 lts. ng Cabernet at 10 lts. ng Verduzzo. Dito pupunta ka lang ng wine factory or wine shop at magdala ka ng container, titikim ka kung anong gusto mo at ayun lasing ka na lalo na't empty ang stomach LOL. Parang pumunta ka nga gasoline station dahil ganoon din ang ginagamit nilang device para mag refill sa container. Then ibo-botelya mo lahat at ilalagay mo dun sa wine cellar.

 

Paborito ko red wine dito lang sa region namin Cabernet Sauvignon, Merlot, Refosco, Raboso - ginagamit ang mga ito kapag meat dish. Sa white wine din Prosecco di Valdobbiadene, Verduzzo, Pinot grigio - para sa seafood dishes lastly Champagne or sparkling wines for raw oysters, hhhhmmm sarap gutom tuloy si ako.

 

Andami ko gustong kainin pag uwi sa atin, ano ba tawag dun sa atin ng "kinilaw na isda"? Daisy tulungan mo ako, indi ko alam tagalog dun. Ano ba 'yong puto-bungbong? siguro kilala ko yan pero di ko alam ang tagalog term hehehe...

 

Meron din dito cherry blossoms kagaya diyan, ang ganda talaga di ba? meron kami sa streets namin, sayang lang one month lang at tapos na ang pamumulaklak. Hindi ko makalimutan ang movie "Memoires of a Geisha", napakaganda talaga ng cherry blossoms doon.

 

Naku parang novena na 'tong post ko, baka magalitan ako sa may-ari dito, andami kasing off-topics hehehe..daldal kasi ng daldal.

O sige at gagawa pa ako ng tiramisu, kung gusto mo bibigyan kita ng recipe nito. Ingat ka sissy!

ciao

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching

hello bulalo!

 

kumusta na mga kabaro, kachika kabagang, ka...kakosa...ka..ewan...:D

 

medyo busy busyhan ang drama ko ngayon hehe madami kong tanggap na labada...lam nyo na...hahaha

 

sure thing kuting! hayaan mo sis mega, mako-conquer ko din in time ang aking takot sa eroplano...sa totoo lang pati barko takot ako, cornyko noh? eniwei hi-way, yaan mo makakarating din ako sa Japan...so far sa Gapan pa lang ang nari-reach ko hehe. ang tagal mo na pala dyan ate, mukhang haponesa ka na siguro...flawless! :D

 

aba aba hoy ka rin ate venezia! hihihi :D inintriga pa ba daw ang maagang pagtulog ko...hihihi....pagod kasi lola mo..lam mo na...pagkatapos kong magsaing, nagwalis walis pa ko tapos, naglampaso...o di ba muchachang muchacha ang dating! :D early to bed early to rise baga...sige hagisan mo nga ako ng isang tipak ng mozarella ha pagdating mo...hehe lab yu sis! mwaahhh!

 

ay! si ate daisy! yoohoo! opo maaga po akong matulog kung minsan hihihi...pero sa totoo nyan nagigising ako sa madaling araw...performer po ako kasi...lol joke! musta na ang makabagbag damdamin nyong patotoo? i'm sure success!

 

hi sdr! welcome ka dito! :)

 

o sige na...gang sa uulitin...that's it pansit! :D mahal ko kayong lahat!

 

so long talong!

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
Magandang umaga po sa ating lahat mga kapatid.

 

sdr, maligayang pagdating sa sinulid na ito....

 

venezia, kita2 ra jud pero maguwang ko gamay? LOL tinood ka ang '80's gyod ang da best......(sa ato lang) naka summer bya ko didto USC kaisa...sulay lang unsa bation sa layo mag skol. Mora sayon pa man warta sa una kay sa karon oi, di ba? Anhi gani mo cebu, ingna ko kay mag reunion ta......hahahahahahhhaahahha! Pasensya muna ha kay tsada man sab diay magbinisaya diri oi....! Bisan gamay ra ta bibo man gihapon ta! Asa naman kaha ang uban oi? Unsa kaha maayo ato irolko :mellow: l? :huh::lol:

Tinood ka day, ang Ginoo naa jud nato kanunay......sana bigyan pa tayo Niya ng maraming maraming grasya!

 

Mabuhay Filipina!

 

daisy

 

Daisy, da best jud ang 80's...ayaw saba masuko mga batan-on LOL. Naka summer diay ka sa USC? Didto ko sa USC-main, BSC accounting, after 2 yrs of working sa former Cebu Plaza Hotel (now Marco Polo), dia nabihag sa italiano LOL. Kahibalo pa ko nga di-a diay akong palad diri maypa nursing akong gikuha! Lisod bitaw ron warta, krisis oi.

 

Babalik na ako sa wikang tagalog baka magalit si inday Mega, siya pa naman ang thread starter dito...chika kasi 'tong mga bisaya eh! Daisy alam mo ba na dito sa italya bawat baryo merong simbahan? Sentro kasi ito sa katolikismo (tama bang word yon?) Napakalungkot lang na habang lumaki na ang anak ko parang gusto na niya i-abandon ang kanyang faith. Trend kasi yon dito sa mga teenagers. Napaka rigid kasi ng katekismo dito, mula grade one hanggang matapos ang kompermasyon approx. mag 14 anyos ang edad. Ngayon na mas malaki na ang kinalalaman nila lalo na't ihalo ang science parang may doubts na talaga siya sa existence Niya. Naku gusto kong malaman ninyo na hindi ko gusto ma interpret ninyo na nakipag-usap ako ng relihiyon dito, kaya lang medyo worried ako sa trend ngayon, ganoon din ang ideas ng mga klasmeyts niya. Sabi nga ng titser kailangan unawa-in muna natin 'tong mga teenagers dahil nandoon pa sila sa adjustment age.

 

O ibang topic naman, masayang masaya ako't naka pass ng driver's license exam ang anak ko, ka te-text lang, sabi niya okey na daw, binigyan na siya ng license! worried din ako, hirap naman dito hindi kagaya doon sa atin pwede hokus-pukos!

 

I-Rolcol mo na ang mga kalahi natin, nasaan na kayo!!!!

 

Gud nite mga kababayan... sa uulitin! mwwahhh

Edited by venezia

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
hello bulalo!

 

kumusta na mga kabaro, kachika kabagang, ka...kakosa...ka..ewan... :huh:

 

medyo busy busyhan ang drama ko ngayon hehe madami kong tanggap na labada...lam nyo na...hahaha

 

sure thing kuting! hayaan mo sis mega, mako-conquer ko din in time ang aking takot sa eroplano...sa totoo lang pati barko takot ako, cornyko noh? eniwei hi-way, yaan mo makakarating din ako sa Japan...so far sa Gapan pa lang ang nari-reach ko hehe. ang tagal mo na pala dyan ate, mukhang haponesa ka na siguro...flawless! :mellow:

 

aba aba hoy ka rin ate venezia! hihihi :lol: inintriga pa ba daw ang maagang pagtulog ko...hihihi....pagod kasi lola mo..lam mo na...pagkatapos kong magsaing, nagwalis walis pa ko tapos, naglampaso...o di ba muchachang muchacha ang dating! :D early to bed early to rise baga...sige hagisan mo nga ako ng isang tipak ng mozarella ha pagdating mo...hehe lab yu sis! mwaahhh!

 

ay! si ate daisy! yoohoo! opo maaga po akong matulog kung minsan hihihi...pero sa totoo nyan nagigising ako sa madaling araw...performer po ako kasi...lol joke! musta na ang makabagbag damdamin nyong patotoo? i'm sure success!

 

hi sdr! welcome ka dito! :)

 

o sige na...gang sa uulitin...that's it pansit! :D mahal ko kayong lahat!

 

so long talong!

 

Ms tabaching, mas muchacha pa dating ng ate mo dito, mahal kasi helper dito ano? 8 to 10 euros ang isang oras paglilinis, naku andami nang makinabang sa atin ng perang 'yon.

Buti na lang merong mga hi-tech equipments sa bahay, ayun makinabang naman sila.

 

Sige my dear sa susunod na rin, mahal ko rin kayong lahat mga amiga ko dito!

ciao

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
ako din ay pinoy! mtagal kna ba dyan sa japan?

 

Maligayang pagdating sa sinulid na ito. Sana mag enjoy ka dito.

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy
Maligayang pagdating sa sinulid na ito. Sana mag enjoy ka dito.

 

Ang sinulid talagang ito, iba ang dating! :huh:

Ayaw saba ha? usahay anhi ko diri sa LIC pero kini ra ako basahon..... :mellow:

 

Katulgon naman ko oi...ugma na ko magyapyap diri... :D

Mahimbing na pagtulog at masayang kaarawan, este panaginip para sa lahat! :lol:

Share this post


Link to post
Share on other sites
megayogi

Magandang umaga mga kafatid :D ...nakatulog ba kayo ng maigi kagabi?

 

Ka-Venezia, yong sinasabi mo bang kilawin na isda ay burong isda sa tagalog? Iba siguro no :D ? yong puto-bungbong ay nabibili kadalasan pag pasko at simbang gabi sa Maynila. Kulay violet sya, gawa sa malagkit at pinasingawan, tapos papahiran ng margarina at budbod ng coconut. :) Naku, tipong sophisticated talaga ang paginom mo ng wine...parang naiimagine ko na pinaiikot mo ang wine sa loob ng wine glass, aamuyin bago inumin....ganyan kasi napapanood ko sa TV. Pero masyadong real yong sinabi mong magdadala lang ng lalagyan, parang gas station, kapag bibili ng wine....litro litro pala kayo bumili talaga ano...iba-ibang klase pa....supererb talaga. Fantasy ko lang ang maka-inom ng wine...mahina kasi ako sa alcohol eh, mean madaling malasing at pag nalasing pwede nang katayin :D , hehehe.

 

Congratulation nga pala sa pag-pass ng anak mo sa driving...good job :) .

Pagdating naman sa usapang Religion, ako din lumaki sa Catholic school at cathecism pero inactive na ako ngayon, but still remain pa rin sa puso ko ang paniniwala at pananampalataya sa Panginoon. Tulad ng turo sa Religion class ko: God is everywhere. So, He is inside my heart, inside my house. Dito sa Japan majority ng japanse ay Buddist kasi, my husband family too. Pero hindi naging barrier sa amin mag-asawa ang religion. Meron uncle ang husband ko na tinitira ang religion kong katoliko pag nagkikita kami, pero di ko lang pinapansin. As much as possible ayaw namin pag-usapan ang Religion dahil minsan natutuloy sa conflict. Tahimik na lang. Italia, di ba nandiyan ang Vatican Church? Naku, nakakahiya kung mali no. :welcome:

 

Pagdating sa present generation naman, halimbawa dito sa japan, ang attention ng madla ay more on economic issue....like stock exchange, Topics, Foreign exchange rate.

Ang mga bata naman dito Monday to Sunday, subsob na sa academics, subsob pa rin school clubs (like judo, baseball, swimming etc), dahil importante din ang sports sa japanese dahil active ang japan sa Olympic. Schools here do not have any subject of religion, minor issue hanggang maari hindi pinag-uusapan. Lalo na ang japan government, they avoid comment on religious issue to avoid coflict kaya BOW lang sila even if they meet the Pope.

 

Pasensya na at napasarap ng kwento ang lola mega :D .

Edited by megayogi

Share this post


Link to post
Share on other sites
megayogi

Magandang umaga sa iyo Ka-Tabaching, dito din sa japan sobrang lakas din ng ulan lagi, hindi tuloy matuyo ng maigi ang sinampay ko :) , baka amagin na ako dahil isang linggo nang hindi umaaraw...dinadaan ko na lang sa rubbing alcohol ang beauty ko :D . marami na din ang namatay dito sa Japan, tao ha, dahil sa contineous ulan, maraming landslide at overflow ng riverbanks....tapos meron din hurricane na at malakas na kidlat...takooooot!! Yong sitaw field ng kalapit bahay ko nga nalanta din lahat dahil kulang sa sikat ng araw...paborito ko pa naman. kapag summer lang ako nakaka-kain ng sitaw at ampalaya dito, buti na lang may nagbibigay pa rin ng ampalaya sa akin, lucky!...ako lang ang lumalapang. Tita, napansin ko tipong ang galing mo sa wordplay, tulad nong so long talong, nakakatuwa, hihihi.

 

Mahal din kita sis tabaching. Ingat ka lagi ha. Wag kang malungkot, ako din ay isang MUCHACHA dito sa Japan :D .

 

 

 

hello bulalo!

 

kumusta na mga kabaro, kachika kabagang, ka...kakosa...ka..ewan... :D

 

medyo busy busyhan ang drama ko ngayon hehe madami kong tanggap na labada...lam nyo na...hahaha

 

sure thing kuting! hayaan mo sis mega, mako-conquer ko din in time ang aking takot sa eroplano...sa totoo lang pati barko takot ako, cornyko noh? eniwei hi-way, yaan mo makakarating din ako sa Japan...so far sa Gapan pa lang ang nari-reach ko hehe. ang tagal mo na pala dyan ate, mukhang haponesa ka na siguro...flawless! :D

 

o sige na...gang sa uulitin...that's it pansit! :D mahal ko kayong lahat!

 

so long talong!

 

 

 

 

 

Magandang umaga sa iyo Tita Daisy,....naging tita tuloy, wag kang magalit ha....kulang lang ako sa pagmamahal siguro :D , joke. Parang naiintindihan ko din ang Cebuano talk nyo, okey lang para matuto din ako, diba? Saan ang lakad mo ngayon? Anong extra-curricular activity natin dyan? kwentohan mo pa kami ha.

 

mamaya ulit. Ingat.

 

 

 

Ang sinulid talagang ito, iba ang dating! :D

Ayaw saba ha? usahay anhi ko diri sa LIC pero kini ra ako basahon..... :welcome:

 

Katulgon naman ko oi...ugma na ko magyapyap diri... :)

Mahimbing na pagtulog at masayang kaarawan, este panaginip para sa lahat! :D

Edited by megayogi

Share this post


Link to post
Share on other sites
Pinay Ko

Magandang araw sa inyonglahat dito!

 

ako po ay natutuwa at sa wakas ay meron na tayong sarling atin na salitang ginagamit dito sa LINC.

ang hirap talaga mag tagalof inaykupo!.. pero at least nagagamit natin ang ating salitang pilipino na puro atin.

 

di lang nakaka nose bleed mag english dito sa LINC kung sasali ka sa usapan ng mga banyaga mawawala kapa misan sa tono at tsaka di pa nila tayo nauunawaan kasi sila mga banyaga meron sila sariling expression kung kailan sila seryoso or kung kelam sila nagpapatawa lang diba?

 

eh tayong mga pilipina, (syanga pala ako ay puro na bisaya taga CDO po ako) mayroon din tayo mga salitang ginagamit na mga pinay lang ang nkakaintindi diba? kahit mga banyaga marunong na magtatagalog o magbibisaya meron pa rin sila hindi masyadong naiintindihan na ating mga expression sa ating mga pinoy or pinay, tama ba ako?

 

kaya saludoo :) ako sa yo megayogi at naisip mo itong idea na eto hehehe...

 

sana lahat ay masaya :welcome: sa buong araw na eto sa mga buhay buhay nila!...

 

hanggang sa muli mga sis/amiga/katropa/kapitbahay esteeee kapit-bansa....lol :D

 

MABUHAY TAYONG LAHAT!!!......

 

 

 

Pinay Ko

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy

Magandang Umaga mga naggagandahang mga kapatid!

 

Alam nyo bang inabot ako ng alas dos nang madaling araw sa paghahanap ng aking bagong abatar....yon sana magustuhan nyo mga kapatid.....! :lol::P

 

Mega naman, pwede Ate na lang? Kasi ayoko si Tita Freta, mas gusto ko si Ate Vi! hehehehehehehhe!

Saan na ba kayo? Bakit makulimlim ba ang kapaligiran? Ewan ko kung tama ba yang mga sinasabi ko....basta yon na yon!

 

Sana mamayang pagkagising ko sana dami na tayo dito ha???

 

Pinay ko maayo nakaabot ka na gyod diri sa among paraisong papel! Maligayang pagdating.!!!

 

daisy

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching

hola bola bola!

 

musta na mga kasangga, kabalitaan, kasikuhan, ka...ka echosan....hahaha :D

 

medyo busy lang ang inyong lingkod lately pero kahit papano heto at dumadalaw pa din dito para maki chika sa inyo...ano ba latest intriga....hehe :P

 

kunichiwa sis mega san! hehe censya na ha medyo bobita ko sa japanese...miss na kita! aba naman, at libre ka pala sa veggies dyan courtesy of your kapitbahay...sweet naman nila...dito ala nang bigay bigay dahil ninenenok na lang sa bakuran mo lalo na pagnakalaylay sa labas ng bakod ang puno ng indian mango mo....di joke lang...ask lang pa din sila kung pede sila makahingi ng pananim mo...madalas hinihingi nila yung mga dahon ng malunggay. lam mo dito sa pinas, parang sankaterba ang mga sanggol at mga batang maliliit! grabe! parang lugi na ata mga manufacturer ng contraceptions dito sa tin...kakainis yung mga parents na anak anak pero yung mga anak parang kuting na hinahayaan na lang lumaki mag-isa...daming squatters! lalo na sa maynila...yuk! kaya di na ko napapadpad dun...kakadepress lang. Wordplay ba kamo, mahilig kami ng mga pamangkin kong magsalita ng mga walang katuturan minsan....hehe gibberish daw sabi ng asawa ko :D

 

at ang mga landslide at hurricanes na yan ate? sus! kayang kaya ng powers mo yan! super ultra megayogi ka ata! :lol:

 

hello kabayang venezia! sexy ka pa din ba? bisi-bisihan sa pagbibilang ng euros? i'm sure di ka mapagkakamalang muchacha dahil mala-angelina jolie ang byuti mo....:P

 

Miss ko na ang ka-ututang dilang ate Daisy! hihihi....o ayan ate bagong talagog yan ha..:D buti ka pa may avatar ako nga di ko alam kung pano maglagay nyan...hehe...aba naman at may-I-use-in-a-sentence mo na ang word na napulot mo sa akin..magaling, magaling, magaling! kulimlim is the word cardboard....hehe ;)

 

maligayang pagdating pating kay Pinay Ko! :)

 

O pano...i gotta go sago.....kitakits ulit bubwit!

 

ALWAYS REMEMBER! MAHAL KO KAYONG LAHAT! mwaaahhhhh!!!!

Share this post


Link to post
Share on other sites
megayogi
di lang nakaka nose bleed mag english dito sa LINC kung sasali ka sa usapan ng mga banyaga mawawala kapa misan sa tono at tsaka di pa nila tayo nauunawaan kasi sila mga banyaga meron sila sariling expression kung kailan sila seryoso or kung kelam sila nagpapatawa lang diba?

 

 

Hello Sis Pinay ko, maraming salamat at natagpuan mo ang sinulid na ito,...kung bakit ba naman sa pinaka-ilalim halos buntot na nakalagay ang bahagi na pwedeng magsalita ng tagalog eh... ayaw ko na lang isipin na minor talaga tayo :P pero pasalamat na rin dahil meron ganitong community forum sa Pinas este Cebu pala :) para magkausap-usap tayong mga Pinoy.

 

Sis Pinay ko, natumbok mo ang dahilan kung bakit ako nag-umpisa ng Tagalog na sinulid, tulad ng sabi mo

ang hirap sumali sa usapan ng mga banyaga, ang tono ng expression kasi nila ang hirap timbangin, di maintindihan kung nagpapatawa nga ba sila o galit na....hirap timplahin :lol: . Kaya sa sinulid na ito naman tayo magpahinga kapag napagod na tayong makipag-usap sa kanila, right?

 

Sis Pinay ko, wag ka sanang magalit, ano ang ibig sabihin ng CDO? Pasensya na, mahina kasi ako sa abbreviation eh :D .

 

Hanggang sa muli, pasyal ka lagi dito kwentuhan tayo ha.

 

 

Alam nyo bang inabot ako ng alas dos nang madaling araw sa paghahanap ng aking bagong abatar....yon sana magustuhan nyo mga kapatid.....! :P:D

 

Mega naman, pwede Ate na lang? Kasi ayoko si Tita Freta, mas gusto ko si Ate Vi! hehehehehehehhe!

Saan na ba kayo? Bakit makulimlim ba ang kapaligiran? Ewan ko kung tama ba yang mga sinasabi ko....basta yon na yon!

 

Ate Daisy, ang pinaka-unang una kong napansin ay ang avatar mo :) , ang galing ha, new look, bravo amiga, nadali mo. Oo tama ang sinabi mo Ate, makulimlim....dito sa lugar ko. Pero sa wakas at sumikat din ang araw pero pagdating ng hapon uulan daw ulit...sumilip lang sya. Biro mo isang linggo puro ulan ;) dito sa Japan. Sigurado magmamahal ang presyo ng gulay at bigas dahil nalunod lahat sa baha at naluto sa ulan...haaayy~

 

Keep smiling ate Daisy, okey. mamaya ulit, medyo busy ngayon ang lola mega :D .

 

 

kunichiwa sis mega san! hehe censya na ha medyo bobita ko sa japanese...miss na kita! aba naman, at libre ka pala sa veggies dyan courtesy of your kapitbahay...sweet naman nila...

 

dito sa pinas, parang sankaterba ang mga sanggol at mga batang maliliit! grabe! parang lugi na ata mga manufacturer ng contraceptions dito sa tin...

 

Wordplay ba kamo, mahilig kami ng mga pamangkin kong magsalita ng mga walang katuturan minsan....hehe gibberish daw sabi ng asawa ko :)

 

O pano...i gotta go sago.....kitakits ulit bubwit!

 

Ohayo gozaimasu ka-chikang Tabaching,...marunong ka palang mag-japanese, nice... oo may nagbibigay ng mga gulay sa akin, kamatis, sili, cucumber, talong, ampalaya...swerte nga eh. Ikaw din ba may tanim na gulay? Mahilig ka ba sa gardening? Ako mahilig kaya lang wala akong space dito sa bahay ko for that, minsan nasa planter ko lang inilalagay.

 

Dito naman sa Japan, shrinking population kaya mabenta ang manufacturer ng contraceptives :D . Dyan sa Pinas, imbes na ibibili nila ng contraceptive siguro ibibili na lang ng bigas...pero kahit super ang init dyan masipag pa rin sila gumawa ha :D , masigasig no?

 

Ano ibig sabihin ng gibberish? Sanay na si hubby mo sa buhay sa Pinas? di ba sya naiinitan or 24 hours non stop ang airconditioning mo? Sa Velenzuela Bulacan ka nakatira di ba? Nadadaanan namin yan pag uuwi kami ng La union. Ano nga ba ang mga special delicacies ng Bulacan?

 

Kung gusto mo ng avatar punta ka sa site na ito, http://avatar.jurko.net/ libre mag-download dyan, madami kang pagpipilian. i-Download mo sa my picture ng computer mo tapos i-upload mo sa forum na ito, try mo.

 

O papaano, got to go sago,...ako gaya-gaya puto maya :D .

 

Ingat kayong lahat mga kafatid!

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy
Ate Daisy, ang pinaka-unang una kong napansin ay ang avatar mo smile.gif , ang galing ha, new look, bravo amiga, nadali mo. Oo tama ang sinabi mo Ate, makulimlim....dito sa lugar ko. Pero sa wakas at sumikat din ang araw pero pagdating ng hapon uulan daw ulit...sumilip lang sya. Biro mo isang linggo puro ulan huh.gif dito sa Japan. Sigurado magmamahal ang presyo ng gulay at bigas dahil nalunod lahat sa baha at naluto sa ulan...haaayy~

 

Keep smiling ate Daisy, okey. mamaya ulit, medyo busy ngayon ang lola mega biggrin.gif .

 

 

Ewan ko anong nangyari sa abatar ko????? bakit naging ako ulit yon? tika ha? aalis muna ako at magtatanong....ano ba yan, ayaw yata nila yong pinaghirapan ko po'ng abatar.... :)

Ngayon, makulimlim dito sa CDO (Cagayan de Oro ) yan...sinagot ko na tanong mo kay Pinay ko Mega.... :)

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy

naku hindi ko talaga naintindihan kung anong nangyari sa abatar ko kasi ng tiningnan ko ang aking "my control" bumakik abatar ko sa dati...at ngayon balik na naman sa bago.....ano kaya nangyari..may ibang tao ba dito????? naku! takutin pa naman ang lola nyo'ng ito.

 

Ibang dating talaga ang sinulid na ito....haneppppp!!!!!1 :)

Share this post


Link to post
Share on other sites
Guest
This topic is now closed to further replies.
Sign in to follow this  

×
×
  • Create New...

Important Information

By using this site, you agree to our Terms of Use, Privacy Policy and Guidelines. We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue..