Jump to content
Sign in to follow this  
megayogi

Ako ay Pinoy,...

Recommended Posts

Daisy
ay ganun ba? :lol: pasensya na po na excite lang kasi ako. next time di ko na hahabaan post ko. pramis! :lol:

 

 

talagang mapa lab talaga ako sa sinulid na ito.....hayaan mo na "tabaching" kahit mahaba para tayong lahat ay masasanay sa pagbabasa ng Filipino. kahit mahirap, masaya namn. dito lang talaga tayo magsasalita ng kung anu-ano at hindi sila pwedeng magtanong ng translasyon? Ano ba Angie? ituro mo tama para mo nang awa sa akin......LOL!

 

Paul ha? walang pwedeng magtanong dito...aming amin lang po ito. pwede kayo sagot basta sa salita namin........hahahahahahhahahah!

Di ba mga kapatid ko? :lol:

 

Ako po ay Pinoy at mahal ko ang pagka Pinay ko!

Mabuhay!

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
Ang galing kayang magtagalog ni Venezia! di ba mega? :lol: ang daya nyo nga eh, kayo nakakapagtagalog at cebuano at ingles, eh kaming mga tagalog, wala...hanggang tagalog at ingles minsan mali mali pa hehehe :lol: parang gusto kong kumain ng pizza...teka nga...

 

Tabaching kumusta ka diyan! Hindi ako nagbibiro o gusto maging humble...ang hirap talaga kapag Tagalog ang kaharap ko! Alam mo ba kinailangan ko ng kalahating oras para susulat sa thread na ito? Trying hard talaga ako dito. Tapos ingles natutunan sa iskol, ngayon hindi rin ginagamit dahil walang nag ingles dito sa Italy, naku tinatanong nga ako ng titser ng anak ko...anong language daw ginagamit ko pag meron akong iniisip. Sabi ko Bisaya LOL! Nakakaloka!

Edited by venezia

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy
Naku Daisy ang hirap talaga magsalita ng Tagalog, nakakahiya talaga lalo na't Tagalog speakers ang nakausap ko, mas madali kong ma e-express ang ingles, baka akala kung sino umasta itong Cebuana na 'to! Buti na lang at understanding naman sila, sabi nga sa akin "Ate maglagay ka na lang ng The Filipino Channel" sa bahay mo, pero ako lang ang manonood mag-isa! Ayun mag italian na lang kami at mag meet halfway. Daisy, kailangan ko pang masanay ng konti para hindi na mag taglish, pasensya ka muna OK? LOLOL

 

Matagal na akong bumisita sa website na ito para makakuha ng mga exchange ideas sa mga puti. Alam ko sinabi mo na nilahat-lahatin...buti na lang hindi talaga ganoon ang asawa ko dahil napakabait naman niya. Alam naman natin na kahit anong lahi merong mabuti at meron ding mga basura ang ugali. Sa simula lang talaga pag ginusto mong magpa ander de saya, give and take relationship kumbaga. Importante naging mabuting asawa tayo. Ah kalahi din ako ni Gabriela Silang...sabi nga ng asawa ko napakalambing ko pero huwag mong pikunin dahil maging tigre pag inaasar hahaha...

O sige mga kabayan sa susunod na rin...

ciao

 

Kumusta kayo Venezia! (simula pa lang hirap na LOL)

 

Akala mo siguro ikaw lang nahihirapan sa diritsohanang Tagalog na pangungusap......alam ko tayong lahat, di ba mga kapatid? Sigi lang masasanay din tayo sa tamang panahon....(hayyyyyy ang lalim na ng pananalita ko...LOL) heheehheehe akala ko lang yan!

Ako po ay maligaya para sa iyo tungkol sa asawa mo. Yan ang pinaka importante, maligayang pagsasama at nagmamahalan at nag intindihan sa gitna ng ibat-ibang kultura at tradisyon! (Ano to talumpati? LOL)

 

Mwuaaaaaaahhhhhhhh!

 

daisy

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
Kumusta kayo Venezia! (simula pa lang hirap na LOL)

 

Akala mo siguro ikaw lang nahihirapan sa diritsohanang Tagalog na pangungusap......alam ko tayong lahat, di ba mga kapatid? Sigi lang masasanay din tayo sa tamang panahon....(hayyyyyy ang lalim na ng pananalita ko...LOL) heheehheehe akala ko lang yan!

Ako po ay maligaya para sa iyo tungkol sa asawa mo. Yan ang pinaka importante, maligayang pagsasama at nagmamahalan at nag intindihan sa gitna ng ibat-ibang kultura at tradisyon! (Ano to talumpati? LOL)

 

Mwuaaaaaaahhhhhhhh!

 

daisy

 

Daisy ang lalim ng tagalog mo...nakalimutan ko din yong "sinulid, talumpati", maligaya din ako dahil na "refresh" itong memory ko.

Mabuhay tayo kalahi ni Gabriela Silang! Mwaaahh!!!

Share this post


Link to post
Share on other sites
megayogi
Kumusta kayo lahat mga kababayan ko!

 

 

 

Salamat sa iyo megayogi at naisipan mong mag simula sa sinulid na ito...... (tama ba yon?) Ngayon mayroon na tayong sariling atin lamang po....ay maligayang pagdating pala dito sa LINC! Mga kapatid, hindi lang tayo mag taglish para masanay tayo sa pagsasalita at sa pagsulat ng diritsahang Filipino, ang hirap kasi eh! Pwede puro puro lang? (tama ba yon?) Pasensya, bisaya kasi ang pinanggalingan ko po!!!!!

 

Ako po ay natutuwa na marami na pala tayong mga Filipina dito. Talagang dapat natin ipaglaban ang ating lahi lalo na't minsan kakainis yong lahatlahatin nila tayo kahit isa lang ang nagkamali o nanloloko. Minsan naman para ba yatang mas marami pa silang alam keysa atin......kahit asawa ko minsan ganon din!!!!!! Ganon ba din asawa nila? (Ano ba yan ang hirap talaga magsulat ng puro Filipino)

 

 

 

Sa uulitin!

 

Mabuhay ang Filipina!!!! Lahi ni Gabriela Silang!!!!!!!! ;);):)

 

daisy

 

Sis Daisy, maraming salamat sa pagbibigay ng kaligayahan at buhay sa thread na ito, very humorous ka, okey yan :D . Tama ka, itong thread na ito ay para sa ating mga Pilipino. Para makapag-kwentuhan tayo ng babay-bagay na hindi makiki-alam ang mga banyaga. Medyo nga may pagka-dominante kasi sila,...parang di nila nauunawaan kung nasaan bansan sila. Nadidismaya nga din ako minsan pag may mga issue na naisusulat lalo na tungkol sa mga babaeng Pilipino...feeling ko namamaliit ang lahi ko :lol: .

 

Okey naman ang tagalog ninyong lahat sisters :) , nauunawaang mabuti, walang problema. Kahit may halong ingles okey lang, wag lang purong englis dahil baka tirahin tayo ng di mabuting comment ng mga banyaga di ba, iwas lang.

 

 

Sis venezia, kailan ang dating mo ng Cebu? Gaano ka-tagal ng biyahe mula Venice hanggang Pinas? Anong route ang dadaanan mo? Sis, okey naman ang tagalog mo, naninibago ka lang, alam mo naman, yan lang ang dialect nating Pilipino para ma-connect ang bawa't isang kapatid na Pilipino. Pagtiyagaan mo ha, praktise lang siguradong magiging magnifica din ang tagalog mo :lol: .

 

Wow, sobrang init pala ng summer diyan sa Venice, dito naman sa Japan 42 degrees lang ang pinakamainit na inabot. Buti ka pa makaka-uwi ng Pinas, swerte ka sa hubby mo at mabait sya at laging buntot sa iyo, beautiful ka yata :lol: kaya takot sya na baka ma-snatch ka ng iba, jowke only ha. Dami mo sigurong pasalubong na wine at cheese no? Balita ko yan ang major pagkain sa Italia...napapanood ko lang sa TV . Sige, Buon viaggio & Buone vacanze!...naks, trying hard din si lowla mega, hihihi.

 

 

Sis tabaching, nabusog ka ba sa pizza? ano kinain mo Yellow Cab pizza ba :) , tapos sabay tunga ng ice cold coca-cola, hmmm, sarap nyan. Sis tabaching, wag kang magsentimiento biro lang yon,... okey lang mahaba ang kwento buti nga yon at maraming mababasa, buti nga may tiyaga kang mag-kwento sa amin at makipag-chikahan, appreciated po. Ako din hindi marunong ng Cebuano kaya pareho lang tayo, sana nga dumami pa ang mga ka-groupo nating Pinoy at Pinay dito sa thread na ito mula Mindanao hanggang Babuyan Island,...hhehehe....nang mangarap at magising :D .

 

Sis Angie & Sis Kar wren, yah~hooooo!!...kamusta na , busy ba? Dalaw naman kapag may time, okey :) .

Edited by megayogi

Share this post


Link to post
Share on other sites
kar wren

Hello Ms Meg. =)

 

....Pasensya na kung hindi ako nakapag post dito lately. Mas gusto ko kasing i-devote ang time ko with God. Mas masaya and pinaka worth it na investment ang makilala at maging katulad Niya. Kung makakavisit ka sa Cebu, Hope you can meet with me. I am mostly busy with work, family and God. Importante talaga si God above all. Kasi He is the source of everything, kaya nga hindi dapat natin siya makakalimutan.

 

Sa ngayon , i am busy thinking of ways on how i can share the truth of Jesus Christ to people. When God has opened your heart, Your love for Him will enable you to do these actions. It's true. Sana, God will bless my plans and the others' plans to glorify Him. =)

 

 

Meet tayo soon ha? God bless.

Edited by kar wren

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching
talagang mapa lab talaga ako sa sinulid na ito.....hayaan mo na "tabaching" kahit mahaba para tayong lahat ay masasanay sa pagbabasa ng Filipino. kahit mahirap, masaya namn. dito lang talaga tayo magsasalita ng kung anu-ano at hindi sila pwedeng magtanong ng translasyon? Ano ba Angie? ituro mo tama para mo nang awa sa akin......LOL!

 

Paul ha? walang pwedeng magtanong dito...aming amin lang po ito. pwede kayo sagot basta sa salita namin........hahahahahahhahahah!

Di ba mga kapatid ko? :lol:

 

Ako po ay Pinoy at mahal ko ang pagka Pinay ko!

Mabuhay!

 

magandang hapon daisy! makulimlim (o ha, matinding tagalog yan hihihi...) ngayon dito sa metro manila...bed weather hehehe mabuti naman po at ok lang sa inyo ang mala-nobela kong post. :lol: machicka lang talaga ako, halata bang sabik sa kausap? hahaha

 

at syempre naman! Pinoy ako Pinoy tayo! Iba ang Pinay! Mabuhey! :lol:)

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching
Sis tabaching, nabusog ka ba sa pizza? ano kinain mo Yellow Cab pizza ba :lol: , tapos sabay tunga ng ice cold coca-cola, hmmm, sarap nyan. Sis tabaching, wag kang magsentimiento biro lang yon,... okey lang mahaba ang kwento buti nga yon at maraming mababasa, buti nga may tiyaga kang mag-kwento sa amin at makipag-chikahan, appreciated po. Ako din hindi marunong ng Cebuano kaya pareho lang tayo, sana nga dumami pa ang mga ka-groupo nating Pinoy at Pinay dito sa thread na ito mula Mindanao hanggang Babuyan Island,...hhehehe....nang mangarap at magising :lol: .

 

Sis Angie & Sis Kar wren, yah~hooooo!!...kamusta na , busy ba? Dalaw naman kapag may time, okey :lol: .

 

oo naman mega, pero di yellow cab pizza, lotsapizza lang, mahal yellow cab eh ehehe sinabayan ko ng malamiiigggg na tubiggg! mmmm...parang naaalala ko yung chicago white ba yun sa sbarro? sarappp din nun! pero ako kasi maski anong klaseng pizza pinapatulan ko wag lang yung panis syempre hehe

 

haynaku e pag nagsentimyento pa ko e di lalong hahaba ang nobela ko baka ipatapon na ko sa labas ng forum na 'to...hehe gaya nga ng sinabi ko supermachika talaga ako...lalo na pag mababait ang taong kausap ko katulad nyo ;)

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching
Tabaching kumusta ka diyan! Hindi ako nagbibiro o gusto maging humble...ang hirap talaga kapag Tagalog ang kaharap ko! Alam mo ba kinailangan ko ng kalahating oras para susulat sa thread na ito? Trying hard talaga ako dito. Tapos ingles natutunan sa iskol, ngayon hindi rin ginagamit dahil walang nag ingles dito sa Italy, naku tinatanong nga ako ng titser ng anak ko...anong language daw ginagamit ko pag meron akong iniisip. Sabi ko Bisaya LOL! Nakakaloka!

 

hello venezia! ok lang ako dito, medyo ginaganahan magpopost dito hehe... hay naku di talaga din ako nagbibiro, ok na ok pa din ang tagalog mo! pramis! :lol: di mo na kelangan mag try hard kasi ok talaga. biro mo ang tagal mo na dyan sa italya di mo pa din nakakalimutan ang salita natin, o di ba? bongga ka!

 

alam mo masaya ako na nakakausap ko kayong mga kababayan ko na hanggang ngayon di pa din nakakalimot sa lupang sinalangan. Ingat ka lagi! dito ang panahon, paiba iba....uulan tapos aaraw...kaya tuloy dami nagkakasakit. ako talaga napapraning dahil sa swineflu na yan ha, parang minsan ayaw ko nang lumabas ng bahay..hihihi...

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
Sis venezia, kailan ang dating mo ng Cebu? Gaano ka-tagal ng biyahe mula Venice hanggang Pinas? Anong route ang dadaanan mo? Sis, okey naman ang tagalog mo, naninibago ka lang, alam mo naman, yan lang ang dialect nating Pilipino para ma-connect ang bawa't isang kapatid na Pilipino. Pagtiyagaan mo ha, praktise lang siguradong magiging magnifica din ang tagalog mo :D .

 

Wow, sobrang init pala ng summer diyan sa Venice, dito naman sa Japan 42 degrees lang ang pinakamainit na inabot. Buti ka pa makaka-uwi ng Pinas, swerte ka sa hubby mo at mabait sya at laging buntot sa iyo, beautiful ka yata :wink: kaya takot sya na baka ma-snatch ka ng iba, jowke only ha. Dami mo sigurong pasalubong na wine at cheese no? Balita ko yan ang major pagkain sa Italia...napapanood ko lang sa TV . Sige, Buon viaggio & Buone vacanze!...naks, trying hard din si lowla mega, hihihi.

 

Naku sis Mega nakaka adik talaga tong sinulid na 'to (salamat kay Daisy sa "sinulid" ha?). :D Sa matagalan malimutan ko na ang Bisaya ko ha! dream on! sa accent lang walang-wala talaga Bisaya poreber LOLOLOL...Kasalanan ko kasi, hindi ako masyadong nag mingle ng pinoy community dito, palagi kasi busy sa hanapbuhay, alam mo na.

Uuwi kami ngayong agosto 8 hanggang agosto 31. Palagi kami umuwi sa atin dahil mahal na mahal ng asawa ko ang Cebu, ewan ko ba mas gusto niya uuwi dyan, inlab talaga siya sa buhay probinsya. Via amsterdam ang biyahe namin, dalawang oras galing Venice patungong Amsterdam, tapos approx. 12 oras patungong Maynila at sa wakas domestic flight patungong Cebu. Mas gusto ko sana Cathay Pacific via Hongkong direkta Cebu kaya lang fully booked ang flights patungong Cebu. Ano ba yan crisis daw pero biyahe ng biyahe ang mga tao.

Hindi ako magdala ng wines at cheeses, andami doon sa Cebu, merong mga italian shops na nagbibili doon. Buntot na buntot talaga 'tong asawa ko, simula noong na-meet ko siya sa hotel saan ako nag work hindi na talaga niya ako binigyan ng peace if mind, inlab daw sa morena beauty hahaha...ayun kasal tuloy!

Napaka super trying hard ko, eto tuloy naging madalal...salamat sa pasensya ha?

Aprob ako sa italian mo ha, sagutin na lang kita ng "grazie mille, spero che tu riesca a visitare Venezia un giorno.

ciao

Share this post


Link to post
Share on other sites
venezia
hello venezia! ok lang ako dito, medyo ginaganahan magpopost dito hehe... hay naku di talaga din ako nagbibiro, ok na ok pa din ang tagalog mo! pramis! :D di mo na kelangan mag try hard kasi ok talaga. biro mo ang tagal mo na dyan sa italya di mo pa din nakakalimutan ang salita natin, o di ba? bongga ka!

 

alam mo masaya ako na nakakausap ko kayong mga kababayan ko na hanggang ngayon di pa din nakakalimot sa lupang sinalangan. Ingat ka lagi! dito ang panahon, paiba iba....uulan tapos aaraw...kaya tuloy dami nagkakasakit. ako talaga napapraning dahil sa swineflu na yan ha, parang minsan ayaw ko nang lumabas ng bahay..hihihi...

 

Ako din masaya na kahit dito man lang pwede ko makausap ang ibat-ibang pinay na may ibat-ibang eksperyensa sa buhay. Sana hindi uulan pagdating namin diyan, ako din takot na takot nitong swineflu. Sabi sa doktor ko kailangan huhugasan ang kamay palagi at i-avoid yong crowded areas.

Okies ingat ka diyan...hanggang sa susunod na kabanata....ciao

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy

Venezia, LOL! Ang dami na nating nainlab dito....ang saya pala na makita ang sariling atin sa gitna ng mga banyaga...LOL LOL LOL! Nag hingi na ako ng paumanhin sa Admin na kung pwede sana bigyan tayo dito ng kalayaan sa pag uusap ng kung anu-ano. Sa totoo lang minsan na lang akong susulat dito pero sa ngayon, para yatang bago ang pakiramdam ko dito.

 

Karen, hayaan mo nag sulat na ako sa Admin na bigyan tayo ng pahintulot para sa ating "Bible sharing" dito, alam mo na bawal kasi dito ang tungkol sa relihiyon. Pero hindi naman relihiyon ang pag uusapan natin kungdi mga Salita ni God, di ba? Ang saya dito di ba? Sana, iyong ibang mga gurls ay makapunta din dito.

 

Tabaching, salamat din sa makulimlim! Bago yon sa akin. LOL!

 

Megayoki walang anuman...basta tungkol sa pagiging Filipina, andito lang po ako, laging sumosuporta! Iba talaga ang diwang Pinay! Naku, lab na lab ko na talaga ang sinulid mo...eh, dito ko lang magagamit ang mga salitang kay tagal ko nang inaalagaan. LOL LOL LOL

 

daisy

Share this post


Link to post
Share on other sites
tabaching

Magandang Umaga mga Amiga!

 

Grabe, medyo napuyat ang byuti (ngek?!) ko kagabi sobra! Opo ate Daisy, dahil sa kulimlim kahapon....(kulimlim=>cloudy :D) biglang bumagsak ang graaaaabbbeeeengng ulan!

 

masarap sana tulog ko kaso yung mga bwisit na mga kamag-anak ni kermit the frog e naglabasan yata sa likuran ng bahay namin at walang patumanggang (patumanggang =>walang tigil) na kokak kokak ang nadidinig ko, medyo matindi ang powers yata ng mga palakang kokak na yun di tulad ng dati, di kaya sasama sa rally sa SONA mamaya yung mga yun? teka may kokak...este may palaka ba dyan sa Japan mega? sa Italya ba Venezia malalaki din palaka?

 

eniwei, gusto ko lang batiin ang aking mga magagandang kachika dito syempre ang pasimuno ng thread....este ng sinulid? Megayogi!!! yeayyy!!! musta ka na....miss na kita! ate Daisy!!!! hehe sige turuan pa kita ng ibang tagalog basta turuan mo ko ng cebuano ha...Venezia!!!! musta na din! ingat ka lagi!

 

mahal ko kayong lahat! :wink: maging maganda sana ang araw nating lahat!

Edited by tabaching

Share this post


Link to post
Share on other sites
sam12six
Magandang Umaga mga Amiga!

 

Grabe, medyo napuyat ang byuti (ngek?!) ko kagabi sobra! Opo ate Daisy, dahil sa kulimlim kahapon....(kulimlim=>cloudy :D) biglang bumagsak ang graaaaabbbeeeengng ulan!

 

masarap sana tulog ko kaso yung mga bwisit na mga kamag-anak ni kermit the frog e naglabasan yata sa likuran ng bahay namin at walang patumanggang (patumanggang =>walang tigil) na kokak kokak ang nadidinig ko, medyo matindi ang powers yata ng mga palakang kokak na yun di tulad ng dati, di kaya sasama sa rally sa SONA mamaya yung mga yun? teka may kokak...este may palaka ba dyan sa Japan mega? sa Italya ba Venezia malalaki din palaka?

 

eniwei, gusto ko lang batiin ang aking mga magagandang kachika dito syempre ang pasimuno ng thread....este ng sinulid? Megayogi!!! yeayyy!!! musta ka na....miss na kita! ate Daisy!!!! hehe sige turuan pa kita ng ibang tagalog basta turuan mo ko ng cebuano ha...Venezia!!!! musta na din! ingat ka lagi!

 

mahal ko kayong lahat! :wink: maging maganda sana ang araw nating lahat!

 

 

I like sleeping when frogs and crickets are making noise...peaceful

Share this post


Link to post
Share on other sites
Daisy
I like sleeping when frogs and crickets are making noise...peaceful

 

Una sa lahat, maligayang pagdating dito sa aming munting kaharian sam12six! hehehehehe..naligaw ba kayo?

 

Mga kapatid, naku dapat pala may handa tayo lagi dito kasi hindi natin alam, minsan may mga bisita tayong mga banyaga....dapat may tinapay at kape lagi ha? LOL

 

Salamat Tabaching....sigi palit tayo ng bokabolaryo...hehehehehe

 

Karen, may Bibliya na Pilipino ba kayo?.....sigi umpisahan mo na kaming bigyan ng mga brsikulo ngayon....at iyan may pahintulot na sa Admin dito basta kako huwag tayong magdebate. (tama ba yan Tabaching?) Ipagdasal nyo pala ako ksi ako po ay magbigay ng testimonyo sa Agosto para sa aking karanasan bilang guro sa 3-5 taong gulang na mga bata ngayong Hulyo.

 

mahal ko kayong lahat! :) maging maganda sana ang araw nating lahat!

 

Mahal ko na rin kayo lahat dito..... Oo, sana maganda ang araw nating lahat at sana dadami tayo dito.

 

Kumusta Megayoki at Venezia? Angie saan ka na?

 

Mabuhay ang Filipina!

Share this post


Link to post
Share on other sites
Guest
This topic is now closed to further replies.
Sign in to follow this  

×
×
  • Create New...

Important Information

By using this site, you agree to our Terms of Use, Privacy Policy and Guidelines. We have placed cookies on your device to help make this website better. You can adjust your cookie settings, otherwise we'll assume you're okay to continue..